Shut up, Mind! POSTED AT 02:42 AM Introversion out of control! Must do something! Feeling: frustrated Add a Comment
|
|
Beauty is only skin deep POSTED AT 10:41 PM Halos ma-dehydrate na ako sa slimming coffee at slimming tea na to. Lecheng...
friend: kung anu ano na naman pinaggagawa mo. umayos ka nga!
Listening to: Leigh Nash - Need To Be Next To You Feeling: uncomfortable |
|
2011 POSTED AT 10:06 PM Wow, halos isang taon pala akong nawala dito tapos problema agad ang bungad ko. Sorry naman hehe! Napakaraming nangyari...
Hmm... yun lang siguro yung pwede kong ikwento. Yung iba, sa akin na lang hehe. Namiss kita, Tabulas. *hugs* Feeling: depressed |
|
Magkasalungat POSTED AT 08:40 PM Napakalaking kasalanan ba kung sasabihin kong hindi ko trip ang pamilya ko?
Hindi ko din maintindihan. Ewan ko ba. Hindi naman sa nagrerebelde ako. Tingin ko naman wala akong sayad (kung sabagay, hindi ko pa na-try magpa-check up ng utak). Hindi ko lang talaga sila kasundo. Hindi ko sila ka-vibes. Hindi ko sila kapareho ng trip sa buhay. Minsan nga naisip ko baka ampon ako. Kaya lang hindi maipagkakaila sa itsura kong sila ang pamilya ko. Parang carbon copy ba. Kung irerelate ko sa mga taong hindi ko kadugo, maiintindihan ko pa kung bakit may mga tao na lumalayo sa ibang tao dahil hindi nila ito kasundo sa maraming bagay. Hindi tayo nakikipagkaibigan o hindi natin pinipilit na ilapit ang loob natin sa mga taong hindi naman tayo magiging masaya. "Walang spark" kumbaga. Pwede din ba to i-apply sa pamilya? Hindi ko sila kasundo sa maraming bagay: pag-iisip, pera, pag-ibig, pananaw sa buhay, relihiyon, plano, etc. Malakas ang kutob ko na may mali sa akin. Nagtataka lang ako kung bakit hindi ko alam kung ano. Madalas kong sinusubukan lumapit sa kanila, at bukas-palad naman nila akong tinatanggap. Makikita mong gusto din nilang malapit sa akin. Pero laging natatapos sa hindi pagkakasundo ang mga panahong sumusubok akong lumapit sa kanila. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang DNA ng puso at utak ko at ganito ako makaramdam at mag-isip, malayo kumpara sa kanila. Hindi ko sinasabing mas matalino at mas sensitibo ako sa kanila. Hindi ko din sinasabi na bobo at manhid ako. Ang sinasabi ko lang ay magkaiba kami. Pakiramdam ko malapit na akong dumating sa punto na kakayanin ko nang mabuhay ng wala sila. Hindi lang financially, kundi emotionally na din. Walang saya, walang lungkot. Parang wala lang. At natatakot akong umabot sa ganoong sitwasyon. Siguro magandang senyales pa ito na natatakot ako. Buti may takot pa ako. Sana maayos ko ito... Feeling: depressed |
|
Kalvin Klein POSTED AT 11:38 AM Kanina may kausap na isang bank rep. sa phone si officemate.
rep: Calvin po. officemate: Can you spell that for me? rep: Calvin po. officemate: As in C-A-L... rep: ay hindi po, K-A-L as in Calvin Klein officemate: uh... o..kay.
Hanggang ngayon tumatawa pa rin si officemate. Listening to: Regina Spektor - Ghost of Corporate Future Feeling: bored |
|